Hindi bast-bastang aarestuhin ng mga pulis ang mga tambay sa kalye lalo na kung wala namang ginagawang krimen ang mga ito.
Ito ang nilinaw ng Malakanyang kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na huwag ang mga kriminal ang habulin kundi maging ang mga tambay na maaaring magdala ng gulo sa publiko.
Depensa ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang uri ng crime prevention ang naturang direktiba ng Pangulo.
Binigyang diin ni Roque na hangad lamang ng Pangulo ang mas mahigpit na implementasyon sa mga ordinasa upang matiyak ang kaligtasan laban sa mga kriminal at iba pang masasamang elemento.
Kayat payo ng Malkakanyang sa mga tambay sundin na lamang ang apela ng pamahalaan at iwasan nang magpaggabi sa kalsada upang mapigilan ang anumang kapahamakan.