Nagpasalamat ang Malakaniyang sa tiwala ng taumbayan sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos malagay ang Pilipinas sa ika-12 puwesto sa 144 na bansa na itinuturing na pinakaligtas tirhan base na rin sa 2020 Global Law and Order survey ng US company na Gallup.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang resulta ng survey ay patunay na kinikilala ng taumbayan na priority ng Pangulong Duterte na panatilihin ang peace and order sa bansa.
Tiniyak ni Roque na pagsusumikapan pa ng administrasyon na maibalik talaga ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.