Nakiisa ang Malakanyang sa buong sambayanan sa paggunita at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga biktima ng batas militar noong 1970s.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, matapang na humarap ang mga ito sa panganib at pagpapahirap at marami ang nag-alay ng kanilang buhay upang ipaglaban ang mga karapatang pantao noong diktaduryang Marcos.
Giit ni Coloma, maituturing na ang pagtutol at paglaban ng taumbayan sa batas militar ang nagsilbing pundasyon sa pagkakatatag ng demokrasya na nagsilbing tanglaw at gabay ng ibang bansa sa buong mundo.
Matatandaan na itinuturing na pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ang ginawang pagdeklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ng martial law.
By: Jelbert Perdez