Nakikiisa ang Malakanyang sa pagdiriwang ng International Women’s day at International Women’s Day.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, kinikilala ng palasyo ang kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan hindi lamang bilang ilaw ng tahanan kundi bilang isang matatag na haligi sa pag-angat ng ekonomiya.
Sa Marso 8 ang itinakdang international womens day habang ang buong buwan ng Marso ang itinakdang buwan ng kababaihan sa pilipinas alinsunod sa Republic Act 6949.
Pangungunahan ng Philippine Commission on Women ang selebrasyon na may temang “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda” at aktibidad sa luneta sa March 16 kung saan hinihikayat ang mga kababaihan na ibigay ang mga nais iprayoridad ng gobyerno para sa kanilang hanay.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)