Pinaninidigan ng Malakanyang na hindi makikipag-negosasyon ang pamahalaan sa mga terorista.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng pahayag ng Muslim Imam na si Aghakan Sharief na plano umanong makipag-usap ng Malakanyang pero kalaunan ay hindi natuloy.
Itinanggi naman ni Abella ang nasabing report kaugnay ng umano’y pakikipagnegosasyon ng pamahalaan.
Binigyang diin pa ni Abella, na hindi papayag si Pangulong Duterte na makalusot ang teroristang grupong Maute sa idinulot na pinsala sa Marawi City at mga residente ng lungsod.
PAKINGGAN: Pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping