Naniniwala ang Malakaniyang na halos perfect ang dapat na makuhang grado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang unang tatlong taon sa puwesto.
Ipinagmalaki ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang makakatapat sa mga achievement ni Pangulong Duterte sa unang kalahati ng kaniyang termino sa kabila ng mga batikos dito sa isyu ng South China sea row at anti drugs war.
Ayon kay Panelo, 9 mula sa 10 na pinakamataas ang dapat na maging grado ng pangulo kung i e evaluate ang performance ng pangulo sa unang bahagi ng termino nito.
Kabilang aniya sa mga achievement ng pangulo ay mababang crime rate, pagsuko ng mahigit isang milyong drug offenders at pinalakas na kampanya kontra illegal drugs, matagumpay na paglaban sa rebelyon at terorismo at paglagda ng Bangsamoro Organic Law.