Nilinaw ng Malakanyang na hindi na dapat maging isyu ang usapin ng pagpapalaya kay Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Una nang sinabi ng Malakanyang na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalaya ng mas maaga si Sanchez dahil hindi ito karapat dapat sa Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowances (GCTA) for convicts.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, dadaan sa masusing screening ang mga mapapalaya kaya matatanggal na sa listahan ang hindi kwalipikado.
Minaliit naman ni Nograles ang ulat na posibleng magpasaklolo si Sanchez sa Korte Suprema sa naturang isyu.
Sinabi ni Nograles na malinaw na malinaw ang batas na hindi kwalipikado ang mga na-convict na sa mga karumal dumal na krimen.