Iginagalang ng Malakanyang ang panukala ni Ombudsman Samuel Martires na parusahan ang mga indibidwal na magkokomento laban sa SALN ng mga government official.
Tinukoy ni presidential spokesman Harry Roque ang mandato ng Ombudsman bilang constitutional body tulad ng Commission on Audit.
Magugunitang sa pagdinig ng Kamara, isinulong ni Martires ang pagpapakulong ng hindi bababa sa taon laban sa mga magkokomento ng negatibo sa SALN ng government officials, bilang aniya’y pag amyenda sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.