Nais na pabalikin ng Malakanyang sa kulungan ang mga inmates na convicted sa heinous crime na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na Chief Legal Counsel din ni Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw sa Republic Act 10592 na ang mga convicted sa mga heinous crime, escapees at iba pa ay hindi covered ng batas.
Kailangan aniyang maibalik sa kulungan ang mga pinakawalang bilanggo dahil hindi pa tapos ang kanilang mga sentensiya.
Una nang inamin ng Bureau of Corrections (BuCor) na mayroong 2,000 mga convicted criminals ang napalaya dahil sa GCTA simula noong 2013.