Nagbabala ang Malakanyang sa mga alkalde na sumasalungat sa mandatory face shield policy sa mga ‘crowded at enclosed spaces’.
Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, ang lahat ng alkalde sa bansa ay nasa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng pangulo kaya’t dapat na sundin pa rin ang polisiyang pagsusuot ng face shield.
Aniya, ititigil lamang ang pagsusuot ng face shield kung ipag-uutos ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Samantala, ilan sa mga lugar na nagpatupad ng hindi sapilitang pagsusuot ng faceshield ay ang lungsod ng Davao, Manila at Iloilo. —sa panulat ni Airiam Sancho