Pinapurihan ng Malakanyang ang walong kababaihang kabilang sa 10 topnotcher na magtatapos sa Philippine Military Academy o PMA, ngayong linggo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, na-aangkop ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day bilang pagkilala sa natatanging kakayahan ng kababaihan.
Pinangungunahan ang 8 babaeng magtatapos sa PMA ngayong taon ng kanilang valedictorian na si Rovi Mairel Valino habang 63 iba pa mula sa 167 graduates ay kababaihan.
Umaasa anya ang sambayanan na tutuparin ng 8 babaeng kadeteng kabilang sa magtatapos bilang topnotcher ang kanilang tungkulin para sa bayan.
Sinabi pa ni Abella na umaasa rin sila na magiging huwaran ang mga ito sa pagtatanggol sa bansa.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping