Ikinalulugod ng Malakanyang ang pagkukusa ng ilang mga Local Government Units (LGUs) na bumili ng bakuna kontra COVID-19 para sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makatutulong ito upang mabawasan ang halag ng perang kinakailangang hiramin ng pamahalaan para sa vaccination program kontra COVID-19.
Kasabay nito, sinalag ni Roque ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na ginagawa na ng mga lokal na pamahalaan ang mga bagay na nabibigo ang national government na tuparin sa usapin ng pagbili ng bakuna.
Ani Roque, hindi makabibili ang mga LGUs ng sariling bakuna kontra COVID-19 nang walang tulong mula sa pamahalaan.
Binigyang diin din ng kalihim na kailangangang sumunod ang mga LGUs sa ipalalabas ng mandato ng pamahalaan at IATF hinggil sa pagsisimula ng vaccination program.
Magugunitang plano ng pamahalaan na humiram ng tinatayang P73.2 bilyong upang magamit sa pagbili ng bakuna para sa target na 60 milyong Pilipino
’Yung mandato naman kung paano i-roroll out ‘yan ay desisyon pa rin ng national government at ng IATF, so lahat po ng LGU’s kinakailangang sumunod. Kinakailangan geographical priority ‘yung matataas na kaso Metro Manila, Cebu, Davao, including CALABARZON and then pagdating po doon sa mga sectoral unahin natin ang mga medical frontliners, ang mga indigent senior citizens, iba pang senior citizens, ‘yung iba pang social workers, kasama nap o ang men and women in uniform,″ pahayag ni Roque.