Pinigilan ng Malakanyang ang Presidential Anti–Corruption Commission (PACC) sa pakikialam sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang Ombudsman ang mayroong constitutional body na may mandatong mag imbestiga kaya’t dapat lang na tigil na ng alinmang ahensiya ang pagsisiyasat ukol sa GCTA.
Una nang nanawagan si Ombudsman Samuel Martirez sa PACC na kung maari huwag nang magsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat sa pangambang magkaroon ng tinatawag na conflicting result bukod pa sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa GCTA.