Plano ng Malakanyang na palitan ang pangalan ng Benham Rise.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinag-aaralan nilang gawing Philippine Rise ang pangalan ng nasabing undersea region.
Ito’y para ipagdiinang sakop ito ng hurisdiksyon ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Abella na inatasan na ang DFA o Department of Foreign Affairs at Office of the Executive Secretary para pag-aralan ang pagpapalit sa pangalan ng Benham Rise kabilang na ang magiging epekto nito.
Kung matatandaan, ibinunyag ng Department of National Defense na naglayag ng ilang buwan sa Benham Rise ang survey ship ng China, bagay na inako ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing binigyan niya ito ng permiso.
By Jonathan Andal