Niresbakan ng Malakanyang ang pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa panawagan nitong mag-resign na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dahilan para pagbitiw sa pwesto si pangulong Duterte dahil wala naman itong nilalabag na probisyon ng konstitusyon.
Si Sereno lamang anya ang lumabag sa saligang batas dahil sa hindi pagsusumite ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.
Inihayag din ni Roque na hindi si Pangulong Duterte ang nagpatalsik kay Sereno kundi mismong mga kasamahan niyang mahistrado.
Una ng inakusahan ng pinatalsik na punong mahistrado ang Pangulo na nanghimasok Quo Warranto Petition laban sa kanya.