Suportado ng Malakanyang ang multa o community service na ipapataw ng MMDA laban sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang pahayag matapos na matuklasan ng MMDA na ang mga hindi kanais nais na gawaing ito ang dahilan kung bakit nagbabara ang mga pumping stations sa kalakhang maynila.
Pero ayon kay Roque, base sa kanyang pagkakaalam mayroon ng existing laws ukol dito.
Kung hindi aniya sya nagkakamali, nakasaad sa batas na ito na dapat mapatawan pa ng mabigat na parusa ang mga mahuhulng nagtatapon ng basura sa mga sa mga estero, ilog at karagatan.