Siniguro ng Malakanyang na walang anumang kapalit ang ibibigay na 3.8 milyong euros ng European Union.
Tinukoy ni EU na magbibigay sila ng pondo direkta sa Department of Health para pondohan ang mga itatayong rehabilitation center sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, personal niyang aalamin sa National Economic and Development Authority sa kung anong uri ng economic package nakapaloob ang nasabing tulong.
Una nang tinanggihan ng pangulo ang ano mang tulong mula sa EU dahil sa pagkondena nito sa usapin ng drug war sa bansa.