Suportado ng Palasyo ang desisyon ng DFA o Department of Foreign Affairs na ipagbawal ang marine survey ships ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang naging pahayag ng DFA ay polisiya na rin ng gobyerno maliban na lamang kung may ibang ihahayag si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang ban ay ipinalabas ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin isang linggo matapos maispatan ang Chinese survey vessels sa katubigang bahagi ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.