Suportado ng Malacañang ang hakbang ng Department of Justice o DOJ na tanggalin sa Witness Protection Program (WPP) si Janet Lim Napoles.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sang-ayon ang Palasyo na hindi least guilty sa kaso si Napoles at ang testimonya nito ay hindi naman kailangang-kailangan.
Sinabi ni Roque na may iba namng testigo na maaaring makapagbigay ng mas mabibigat na salaysay.
Una rito, sinabi ni Guevarra na ang desisyong tanggalin ang provisional coverage kay Napoles sa WPP ay batay sa naunang pagbasura ng First, Third at Fifth Division ng Sandiganbayan sa urgent motion transfer of custody sa DOJ Witness Protection na inihain ng pork barrel queen.
Dagdag pa ng Justice Secretary, moot and academic na ang coverage kay Napoles sa WPP lalo’t wala namang nakitang basehan sa sinasabing banta sa buhay nito.
—-