Suportado ng Malakanyang ang binuong task force ng Department of Public Works And Highways (DPWH) na mag-iimbestiga sa umano’y katiwalian sa loob ng kagawaran.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng paunang hakbang pa lamang ng DPWH ang pagbuo ng task force para tugunan ang sinasabing problema ng korapsyon sa ahensiya.
Kaugnay nito, umapela si Roque na bigyan ng pagkakataon ang kagawaran na solusyon ang nabanggit na usapin lalu na’t isa lamang aniya ito sa mga pambihirang sandali naisisiwalat ang korapsyon sa DPWH.
Dagdag ni kalihim, maaaring isumite ng binuong task force ng DPWH ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon sa tanggapan ng pangulo.
Una rito, isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anito’y lantaran at tila sistematikong kurapsyon sa DPWH kaugnay sa implementasyon ng ilang proyekto ng kagawaran tulad ng usapin ng right of way.