Tanggap ng Malakanyang kahit pa maabswelto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kinakaharap nitong Quo Warranto petition sa Supreme Court at Impeachment complaint sa Kamara.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay upang ipakita na hindi pinanghihimasukan ng pamahalaan ang isinasagawang proseso ng Korte Suprema at Kongreso hinggil sa kaso ni Sereno.
Dininig naman kahapon ng S.C. ang Quo Warranto petition na kumukuwestiyon sa ligalidad ng pagkakatalaga kay Sereno habang sa Huwebes, Marso 08 ay magbobotohan ang House Committee on Justice upang malaman kung mayroong probable cause ang impeachment case laban sa punong mahistrado.
Sakaling lumabas na mayroong probable cause, agad i-a-akyat sa Senado na tatayong impeachment court, ang Articles of Impeachment ng punong mahistrado.
Drew Nacino / Jopel Pelenio / RPE