“We have no reaction to it.”
Ito ang naging tugon ng palasyo matapos na ihayag ng ABS-CBN na muli nang mapapanood ang kanilang mga programa sa free tv dahil sa kasunduan nito sa ZOE Broadcasting Network.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, magiging content provider lang naman ang kapamilya network kung kaya’t hindi na nito kakailanganin ng prangkisa.
Kasunod nito, ani Roque, hindi na muna magbibigay ng komento ang palasyo hinggil sa ginawang kasunduan ng dalawang kumpanya.
Nauna rito, nagsara ang operasyon ng ABS-CBN makaraang hindi i-renew ng kongreso ang kanilang prangkisa.