Tiniyak ng Malakanyang na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Sa kanyang pagharap sa briefing ng NDRRMC, pinaalalahanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque Department Trade And Industry (DTI) hinggil sa Republic Act 7581 o Price Act.
Sa ilalim aniya ng naturang batas, awtomatikong ipinatutupad ang price freeze sa mga bilihin partikular sa mga lugar na nasa state of calamity sa loob ng 60 araw.
Ayon kay roque, kabilang sa mga lugar kung saan ipatutupad ang price free ang mga lalawigan Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan, Camarines Sur, Camarines Norte at Marikina City.