Tiniyak ng Malakaniyang na may sapat na pondo at kakayahan ang Department of Health para labanan ang dengue.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maayos namang ginagampanan ng DOH ang kanilang mandato para masugpo ang nasabing sakit.
Sinabi ni Panelo na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagagamot ang mga nade dengue.
Samantala, hinimok ni Tingog Party List Representative Yedda Marie Romualdez ang DOH na magpatupad ng integrated action laban sa dengue mula sa national hanggang barangay level.
Inihayag ni Romualdez na kailangang pangasiwaan ang clinical care, epidemiological, laboratory, vector surveillance at risk communication sa tulong ng national government.
Bukod pa ito aniya sa inilatag na integrated framework ng mga opisyal ng DOH tulad ng pamamahagi ng dengue rapid test kits sa Tacloban City na isa sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng dengue.