Tiniyak ng Malakaniyang sa publiko na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang protektahan ang kalusugan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naging reaksyon ng Palasyo matapos mangulelat ang Pilipinas sa isang COVID-19 resilience study.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang kailangan pagpilian ang gobyerno sa pagitan ng kalusugan o ekonomiya dahil lahat aniya ay tungkol sa “total health” ng publiko.
Dagdag pa ni Roque, ang polisiya ngayon ay siguruhin na hindi lang mapapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19, kundi pati maiwasan din ang pagkagutom sa ng lahat ng Filipino.
Bagama’t hindi umano maikakaila na malaki ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa nananatiling kumpiyansa ang economic team na unti-unti nang bumabangon at tuluyang makakabangon ang ekonomiya ng bansa.