Tiniyak ng Malakanyang na may mga hakbang nang ginagawa ang pamahalaan upang ma-solusyonan ang krisis umano sa bigas sa Zamboanga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumikilos na ang National Food Authority o NFA pang tugunan ang problema sa rice supply sa naturang lugar.
Isa anya rito ang pagtatatag ng bigasang bayan sa Zamboanga at ibaba ang presyo ng nasabing commodity.
Gayunman, aminado si Roque na ang pagbuhos ng supply ng bigas sa Zamboanga ang nakikita nilang pinaka-mainam na solusyon upang mawakasan ang krisis.
Sa huling report, nagsisimula na umanong dumagsa ang bigas matapos aprubahan ng konseho na isa-ilalim sa state of calamity ang Zamboanga City.
(with report from Jopel Pelenio)