Kumpiyansa ang Malakanyang na walang mabigat na epekto sa Pilipinas ang economic slowdown na dinaranas ngayon ng China.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ang pinaka-epektibong panangga ng bansa laban sa external influences ay ang katatagan ng ekonomiya.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na hindi naman masyadong malaki ang “dependency” ng ekonomiya ng Pilipinas sa People’s Republic of China kaya’t hindi gaanong naapektuhan ang bansa ng naturang external shock.
By: Jelbert Perdez | Aileen Taliping