Umaasa ang Malakanyang na walang sasantuhin sa imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council at Bangko Sentral ng Pilipinas kaugnay sa nabunyag na $81 Million na laundered money na nakapasok sa isang bangko sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III, kumpiyansa ang Palasyo na walang makakalusot sa imbestigasyon dahil ang nakataya dito ay ang kumpiyansa sa integridad ng mga bangko sa bansa.
Kuntento ang Palasyo sa ginagawa ng AMLC at Bangko Sentral dahil natunugan kaagad ang pagpasok ng nabanggit na halaga sa bansa.
Nalalagay ngayon sa alanganin ang head ng RCBC –Jupiter Branch na si Maia Santos-Deguito dahil sa kanyang branch bumagsak ang laundered money.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)