Tumanggi nang magkomento ang Malakanyang kaugnay ng paghahain ng leave ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kasunod naman ito ng paglilinaw ng Korte Suprema na indefinite leave ang inihain ng punong mahistrado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung nagpasya man si Sereno na mag-indefinite leave sana ay magamit niya ito para magmuni-muni sa kanyang mga dapat gawin lalut nakasalalay din aniya ang integridad ng Korte Suprema.
Naki-usap din si Roque kay Sereno na huwag sanang paratanggan ng Malakanyang na nasa likod ng mga problemang kinakaharap nito tulad ng impeachment.
“Ang full statement namin dyan ay sana ay talagang magmuni muni si Chief Justice kung ano ba talaga ang dapat gawin, dahil hindi lang naman ito personal na kaso ng Chief Justice nakasalalay din po dito ang integredad ng Korte Suprema at buong hudikatatura bilang isang institusyon. Ang masasabi ko lang po ay huwag naman pong ituro ang palasyo sa impeachment na iyan gaya ng kanyang nasabi ng mga nakalipas na mga araw malinaw na po na ang nagbibigay ng testimonya laban sa kanya sarili niyang kasama sa katas taasang hukuman.”
Krista de Dios/ Jopel Pelenio / RPE