Umaasa ang Malacanang na mareresolba ang usapin ng pag-iisyu ng resibo sa botohan sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III, karapatan ng Commission on Elections na mag-file ng motion for reconsideration sa kautusan ng korte bilang bahagi ng proseso.
Mas mabuti kung mareresolba ng Supreme Court at COMELEC ang isyu sa lalong madaling panahon para sa kapakanan ng papalapit na halalan.
Ayon kay Quezon, hangad ni pangulong aquino na maisakatuparan ang malinis at maayos na halalan sa takdang panahon.
May agam agam naman ang COMELEC na baka maantala ang proseso at maubos ng oras ng botohan dahil sa pag-iisyu ng voting receipts.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)