Umaasa ang Malakanyang na hindi na magiging madugo ang Oplan Tokhang operations ng PNP o Philippine National Police kasabay nang muling pagbabalik nito sa kampanya kontra iligal droga ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang inaasahan na may mga natutunang aral ang PNP sa mga karanasan nito mga nakaraan nilang operasyon.
Welcome din aniya sa Malakanyang ang muling pagtitiyak at pangako ng PNP na susundin ang rule of law.
Dagdag pa ni Roque, walang rin aniyang ibinagay na anumang utos si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga alintuntunin ng PNP sa kanilang pagbabalik sa war on drugs.