Umaasa ang Malakanyang na maibabalik pa ang tinapyas na pondo ng tatlong ahensiya ng pamahalaan na binigyan lamang ng 1,000 Piso.
Ayon kay Communications Assistant Secretary Kris Ablan, nasa unang yugto pa lamang ang proseso ng pagsasabatas sa 2018 National Budget at mahaba-haba pa ang pagdadaanan nito.
Giit ni Ablan, magkakaroon pa ng sariling pagtalakay at masusing pag-aaral ang Senado para sa mga ilalaang pondo sa mga ahensiya ng pamahalaan sa proposed 2018 National Budget at dadaan pa sa bicameral conference meeting ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Binigyang diin pa ni Ablan na ilang mga Senador na rin aniya ang nangakong ibabalik ang mga pondo ng Commission on Human Rights, Energy Regulatory Board at National Commission for Indigenous People.
SMW: RPE