Umapela ang Malakaniyang sa pribadong sektor na huwag bawasan sa leave credits ang mga manggagawang hinihinalang tinamaan ng corona virus disease 2019 (COVID-19) at sasailalim sa 14 na araw na mandatory quarantine period.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na wala namang may gustong tamaan ng naturang sakit at nag-absent sa trabaho ng dalawang linggo.
Ayon kay Nograles nagpapasalamat sila sa Civil Service Commission (CSC) sa pag-iisyu ng memorandum circular na hindi ikakaltas sa leave credit ang 14 day quarantine period sa public sector officials at employees na nagpakita ng sintomas ng COVID-19.