Umapela ang Malakaniyang sa mga may-ari ng mall, sinehan at iba pang establishments na huwag papasukin ang mga estudyante.
Ito ay matapos suspendihin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa Metro Manila simula Martes hanggang sa Sabado, March 14 para ma protektahan ang mga kabataan sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang hindi pagpapapasok sa mga kabataan sa kanilang establishments ang ambag na ng mga may-ari para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Pinakilos na rin aniya ng Pangulo ang DILG, PNP at barangay officials para pauwiin ang mga bata kapag nakitang pakalat kalat sa lansangan para sa home study.
Mas mabuti aniyang umiwas muna ang publiko sa pagtungo sa mga matataong lugar matapos ideklara ng Pangulo ang public national health emergency dahil sa COVID-19 noong Lunes.