Hiniling ng Malakanyang ang kooperasyon ng publiko partikular ang mga motoristang gumagamit sa EDSA na pairalin ang disiplina at sundin ang batas trapiko.
Kasunod na rin ito ng pagsisimula bukas ng PNP-Highway Patrol Group na pangasiwaan ang pagsasaayos sa daloy ng trapiko sa EDSA.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na malaking bagay na sumusunod na batas para maiwasan ang ano mang aberyang maaring makapagdulot ng problema sa traffic.
Kikilos din aniya ang Department of Public Works and Highways para maging malinaw kung saan dapat dumaan ang mga partikular na sasakyan para makabawas sa pagsisikip sa daloy ng trapiko.
By: Aileen Taliping