Mahigpit na binabantayan ng PAGASA ang bagyong may international name na Mangkhut sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huling namataan ang bagyong Mangkhut sa layong 3,075 kilometro silangan ng Katimugang Luzon.
Taglay nito ang hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 145 kilometro kada oras.
Batay sa 5-day forecast ng PAGASA, inaasahang mas lalakas at hihigitan pa ng bagyong Mangkhut ang lakas ng bagyong Jebi na nanalasa sa Japan na umaabot sa 205 kilometro kada oras.
Inaasahang papasok na ito ng PAR sa Miyerkoles (September 12) at magtataas na ng tropical cyclone warning signal ang PAGASA sa Hilagang Luzon simula sa Huwebes (September 13).
Sa Sabado (September 15), inaasahang dadaan ang bagyong Mangkhut sa Cagayan at Batanes at lalabas ng PAR sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga (September 16).
—-