Asahan na ang malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa dahil sa presensya ng southwest monsoon o “hanging habagat.”
Ito ang ibinabala ng PAGASA sa gitna ng patuloy na pag-iral ng habagat na dominant weather system sa nakaaapekto sa hilagang Luzon.
Ngayong araw ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin ang Metro Manila habang inaasahan ang mga pag-ulan dulot ng thunderstorms ang nalalabing bahagi ng bansa partikular sa western section.
Sa mga susunod na araw naman ay lalakas ang mga pag-ulan sa Luzon habang bahagyang maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan o thunderstorms ang posibleng maranasan sa Visayas at Mindanao.
Posible namang magdala ang habagat ng kalat-kalat na mahinang pag-ulan hanggang sa katamtamang pag-ulan sa northern Luzon at sa western section ng central at southern Luzon, sa Biyernes.
Samantala, walang namamataan ang PAGASA na sama ng panahon o bagyo na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
By Drew Nacino