Hindi nakatulong ang mga malalakas na pag-ulan para madagdagan ang lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon.
Batay sa datos ng Manila Water, nasa 170.97 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam, na malayo pa sa minimum operating level na 180 meters.
Samantala, bahagya namang nadagdagan ang tubig sa La Mesa dam mula 68.64 meters ay naging 68.67 meters na.
Matatandaan na sunod-sunod na araw nagkaruon ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan, kabilang ang Bulacan kung saan naruon ang Angat dam.