Nagpatupad ng malawakang force evacuation ang Australian authorities matapos na bumuhos ang napakalakas na ulan sa Sydney.
Ayon sa weather bureau, ang dami ng ulan para sa dalawang buwang ulan ay bumuhos sa Sydney sa nakalipas na dalawang araw.
Dahil dito, umapaw ang tubig sa maraming lugar kaya nagdulot ng baha sa maraming lugar sa syudad.
Habang positibo naman ang dulot ng ulan dahil halos mapuno nito ang ilang dam at inaasahang mapapatigil nito ang bushfire sa nasabing syudad.