Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology PHIVOLCS ang posibilidad na maulit ang malakas na pagsabog ng Mount Mayon na naitala sa mga nagdaang taon.
February 1, 1814 ang itinuturing na most destructive eruption ng Mount Mayon kung saan halos kalahati ng Albay ang nasira kabilang ang bayan ng Cagsawa na nalibing sa abo.
Ayon kay Ed Laguerta ng PHIVOLCS Albay, sa ngayon ay hindi pa ipinapakita ng Mount Mayon ang mga senyales ng isang napakalakas na pagsabog na tulad noong 1814.
Gayunman, matindi aniya ang ginagawa nilang pagbabantay dahil puwede itong mangyari.
‘Lava fountain’
Umabot na sa lima ang lava fountain event sa bulkang Mayon mula kagabi.
Ang lava fountain ay ang tila apoy na nakikita sa crater ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, pinakahuli rito ay nangyari kanina lamang alas-5:00 ng umaga.
Umabot rin sa 500 hanggang 700 meters mula sa crater ang taas ng ibinato nitong lava.
Naramdaman rin kaninang umaga sa paligid ng bulkan ang mala eroplanong dagundong mula sa mga bato sa lava na tumatama sa lupa.
—-