Malakas na palitan ng intelligence information sa pagitan ng gobyerno at pulis, sundalo at maging sibilyan.
Ito ang nakikitang solusyon ni Security Analyst Rommel Banlaoi para kontrahin ang terorismo sa bansa.
Ayon kay Banlaoi dapat paigtingin pa ng gobyerno ang pagprotekta sa seguridad sa bansa lalo na’t patuloy na nag-re-recruit ng mga bagong miyembro ang teroristang grupong Maute.
Nagbabala rin si Banlaoi kaugnay sa tinatawag na “Lone Wolf” o teroristang kumikilos o uma-atake mag-isa.
Dapat din aniyang bantayan ang 20 pang armadong grupo sa bansa na sumumpa umano sa katapatan sa Islamic State o ISIS.
Una na ring kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bagong lider ng ISIS sa Timog Silangang Asya na si Humam Abdul Najid alyas Abu Dar.