Hindi napigilan ng malakas na ulan ang pagdagsa ng mga bumibisita sa mga sementeryo.
Bago mag hatinggabi kagabi ay halos isang milyon na di umano ang bumisita sa Manila north cemetery.
Gayunman, ayon sa otoridad, mas maayos ngayon ang daloy ng tao matapos ipagbawal ang pagtitinda sa loob ng sementeryo at isara ang ilang kalsada papasok sa Manila North Cemetery.