Inaasahang magpapatupad ng malakihang oil price hike ang mga kompanya ng langis simula sa Martes, Setyembre 24.
Ayon sa mga source ng DWIZ mula sa industriya, tinatayang 2.40 hanggang 2.60 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, 1.70 hanggang 1.80 sa kada litro ng diesel, at 1.80 hanggang 1.90 sa bawat litro naman ng kerosene.
Sinasabing ang pagsipa ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado ay bunsod ng pambobomba sa 2 oil facilities sa Saudi Arabia.
Kumpiyansa naman si Energy Secretary Alfonso Cusi na babalik din sa normal ang suplay ng Saudi sa mga susunod na araw kaya’t hindi na nila pakikiusapan ang mga kompanya ng langis na utay-utayin ang dagdag-presyo ng kanilang mga produkto.