Nagbabadya na naman ang bigtime na taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, posibleng maglaro sa P1.40 hanggang P1.50 ang umento sa presyo ng diesel sa kada litro nito.
Habang posible namang maglaro sa P1 hanggang P1.15 ang umento sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Magugunitang 2 linggong sunod na nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Bunsod pa rin ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang panibagong price adjustment na ito.
By Jaymark Dagala