Inaasahang muling magpapatupad ng panibagong tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Mayo 9.
Ito’y ayon sa DOE o Department of Energy bunsod ng umano’y sobra-sobrang suplay ng langis ngunit babatay pa ito sakaling makumpleto na ang isang linggong pagtaya sa kalakalan ng langis.
Ayon kay Energy Spokesman at Undersecretary Felix Fuentebella, inaasahang maglalaro sa pitumpu (70) hanggang siyamnapung (90) sentimos ang posibleng i-rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Ngunit batay sa source ng DWIZ, posibleng maglaro pa mula piso (P1.00) hanggang piso at sampung sentimos (P1.10) ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel habang nobenta (90) sentimos hanggang piso (P1.00) naman sa gasolina at kerosene.
Sakaling maisalya na, ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng rollback ang mga oil companies sa kanilang mga produkto.
By Jaymark Dagala
Malakihang rollback sa langis ipatutupad bukas was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882