Epektibo na ngayong araw ang malakihang rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa bansa.
Batay sa abiso ng Petron, P5.75 centavos ang magiging rollback sa kada kilo ng LPG na epektibo alas-12:01 kagabi.
Katumbas ito ng P63.25 centavos sa kada 11 kg ng tangke ng LPG.
Samantala, posibleng magkaroon din ang Petron ng bawas presyo sa susunod na linggo para sa gasolina, diesel at kerosene.
Ang panibagong bawas-presyo ay dahil sa paghina ng epekto sa Pilipinas, ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.