Epektibo na simula kahapon, Mayo a-1 ang panibagong bawas-presyo sa LPG ng dalawang kumpanya ng langis.
Unang naghayag ng rollback noong Sabado ang Petron na P5.75 centavos sa kada kilo ng LPG habang P3.20 centavos sa kada kilo ng Auto LPG.
Sa kaparehong presyo sunod na nagpatupad ng tapyas-presyo ang Phoenix Petroleum kahapon.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong nagpatupad ng bawas-presyo sa LPG bunsod ng price adjustment sa international market.