May malaking pasabog umano si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa mga susunod na araw
Ito’y may kinalaman aniya sa malaking anomalyang nangyayari sa loob mismo ng Aduana
Ginawa ng customs chief ang pahayag bilang patunay na umuusad ang kaniyang direktiba na imbestigahan ang mga kaso ng katiwalian sa kaniyang nasasakupan
Kasunod nito, ikinakasa na rin ng customs ang paglalagay ng mga CCTV cameras sa kanilang tanggapan upang malinis ang kanilang hanay mula sa mga bulok na kamatis sa pamahalaan
By: Jaymark Dagala