Ilalaan bilang 2nd shot ang malaking bahagi ng mahigit 2m doses ng AstraZeneca vaccine na dumating sa bansa mula sa Covax Facility.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, aabot sa 1.5-M doses ng AstraZeneca ang itatabi ng pamahalaan para magamit na ikalawang shot ng mga naturukan na ng unang bakuna noong Mayo at Hunyo.
Habang ang 500,000 doses naman aniya ay ipamamahagi sa mga rehiyon na may malaking populsayon at nasa priority groups na A2 at A3.
Sinabi ni Galvez, na ang vaccine supply na ito mula sa Covax ay gagamitin para sa mga healthcare workers at kanilang mga pamilya families na nasa A1 category, senior citizens na nasa A2, at mga persons with co-morbidities o kabilang sa A3 category group.