Malaking bahagi na ng bansa ang apektado ng easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Ayon sa PAGASA, alas-5 kaninang madaling araw, naitala ang 21.8°C na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City; 14.4°C sa Baguio City; 19°C sa Tanay, Rizal; 20. 6°C sa Laoag City at 22. 2°C sa Clark, Pampanga.
Bago tuluyang pumasok ang dry season o panahon ng tag-init, sinabi ng PAGASA na muling iiral ang Amihan o malamig na temperatura bagamat hindi naman magiging malakas ang bugso nito.